Source Link: Ado, Mahal Kita
Written for Epoy & Ado Jandayan of Anda, Bohol
Words and music by J. Roel Lungay
Performed by Romeo MascariƱas
1
Di inaasahang panahon
At nakilala kita
Pagkat mahal ka naging akin ka
Sa biro ng iba.
2
Mula no’n lagi tayong magkasama
Pag ako’y nasa piling ng iba
Nasisira ang kagandahan mo
At nagwawala daw s’ya.
Tulay 1:
Ano ang kasalanan ko
Ba’t ikaw ay lalayo?
Ayaw mo bang maniwala
Sa mga pangako ko?
3
Na ikaw lamang ang s’yang mamahalin
Lahat sila’y hanggang kaibigan na lang
Kaya simula ngayon
Sana’y magbago ka na.
4
Ito ang itanim sa isip mo
Na tayo’y para sa atin lang
Tayo’y nagkasala na
Gagawin pa ba sa iba?
Uulitin pa ba?
Tulay 2:
Ba’t ka magagalit sa akin
May nagawa ba ako sa ‘yo?
Ayaw mo bang maniwala
Sa mga pangako?
Koda:
Na ikaw lamang ang siyang mamahalin
Lahat sila’y hanggang kaibigan na lang
Inaasahan ko na okey na
Ado, mahal kita.
Ado, mahal kita.
Ado, mahal kita.
Copyright © 1980 Fro’s Music
International Copyright Secured
All Rights Resserved
Showing posts with label Epoy Jandayan. Show all posts
Showing posts with label Epoy Jandayan. Show all posts
Monday, May 25, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)
